Umaabot na sa 36 na Immigration officers at security guards na nakatalaga sa Bureau of Immigration (BI) Detention Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Ito ang kinumpirma ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval kasunod ng mga nadiskubreng cellphones ng isang Japanese detainee, na sinasabing mastermind sa iligal na aktibidad sa Japan.
Ayon kay Sandoval, kabilang sa 36 na nasibak ay ang “hepe” ng warden facility.
Simula ngayong araw ay hindi na pinag-duty sa BI Facility sa Camp Bagong Diwa ang mga sinibak na Immigration officers at security guards.