Isa namang Japanese national na sangkot sa illegal recruitment, arestado sa Maynila

by | Feb 3, 2023

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isa pang Japanese fugitive na wanted sa Japan dahil sa pagkakasangkot sa illegal recruitment at falsifying official documents.

Kinilala ang 50 anyos na Hapones na si Amano Mototaka na naaresto sa Maynila.

Si Amano ay may arrest warrant sa Nagoya, Japan.

Nabatid na sangkot din ito sa pagproseso ng mga pekeng kasal ng mga Pilipino sa Japan na kalaunan ay nire-recruit nito para magtrabaho sa kanyang entertainment bar.

Si Mototaka ay nakakulong na sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang pinoproseso ang deportation proceedings laban sa kanya.

Latest News

Share This