Mga LGUs, pinakikilos para maagapan ang “illiteracy” sa mga paaralan

by | Feb 3, 2023

Pinakikilos ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga local government units (LGUs) para malabanan ang ‘illiteracy’.

Sa katatapos lamang na education summit na ginanap sa Baguio City, lumabas sa resulta ng 2021-2022 pre-test at post test na sa sampung bata na nasa Grade 4 hanggang 7 na may edad 9 hanggang 12 anyos, apat lang sa mga ito ang marunong bumasa at sumulat ng English.

Sa pareho ring tests ay lumalabas din na kalahati sa mga mag-aaral na Grades 3 hanggang 7 sa siyudad na may edad walo hanggang siyam na taong gulang ang nakakabasa at nakasusulat sa Filipino.

Kahit sa probinsya ng Cagayan ay nasa 49.52 percent ang literacy rate at naka-post din sa kanilang official website na 12.72 percent o 29,529 sa mahigit 231,000 learners na naka-enroll sa public schools doon ang hindi marunong bumasa.

Dahil dito, ipinasasabatas ni Gatchalian ang Senate Bill no. 473 na layong isulong ang National Literacy Council Act kung saan magtatalaga ng Local School Boards (LSBs) sa bawat pamayanan bilang ‘de facto literacy councils’.

Palalakasin ng panukala ang council na siyang magsisilbing lead inter-agency coordinating and advisory body na siyang bubuo at magpapatupad ng mga hakbang kung papaano mapapabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Latest News