Karagdagang apat pang EDCA sites sa bansa, maituturing na pagbabalik na ng US bases sa bansa – BAYAN

by | Feb 2, 2023

Tinututulan ng Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN ang napagkasunduan ng Estados Unidos at Pilipinas na pagtatatag ng apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.

Sa isang pahayag, itinuturing ng BAYAN na pagbabalik ng base militar ng US ang sinelyuhang kasunduan.

Naniniwala ang grupo na hindi mapipigilan ng bagong EDCA sites ang ginagawang panghihimasok ng China sa katubigang sakop ng Pilipinas.

Hindi rin umano makakatulong ang bagong kasunduan sa pagpapalakas o modernization ng Sandatahang Lakas sa halip ay mas paiigtingin nito ang tensyon sa South East Asian Region.

Giit ng BAYAN, dapat magkaroon ng posisyon ang Marcos administration para i-demilitarize ang West Philippine Sea at pigilan ang napipintong arms race sa rehiyon.

Matatandaang nalagdaan ang EDCA noong 2014 upang tugunan ang pananakop ng China sa West Philippine Sea at para tumugon sa mga kalamidad.

Latest News