US, tutulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao

by | Feb 2, 2023

Nakahandang tumulong ang Estados Unidos sa anumang paraan sa mga naapektuhan ng pagyanig sa Davao de Oro kahapon.

Ito ang mensahe ni US Defense Secretary Lloyd Austin sa isinagawang courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang kaninang umaga.

Sa courtesy call, binanggit nitong agad niyang nalaman ang nangyaring lindol kahapon sa Mindanao kaya nakikiramay siya sa Pilipinas.

Sinabi pa nito na bagama’t hindi matindi ang pinsala ng lindol ay nakahanda aniya silang tumulong muli sa Pilipinas.

Sa katunayan aniya nasa Davao de Oro at naka-standby na ang kanilang aid personnel para sa posibleng humanitarian assistance.

Huwag daw mag-atubiling humingi ng tulong sa Amerika kung kinakailangan.

Samantala, may kaugnayan naman sa pagtungo ni Austin sa Pilipinas, sinabi nitong ang kanyang layunin ay mas mapalakas ang magandang relasyon ng Pilipinas at Amerika batay na rin sa direktiba ni US President Joe Biden.

Hangad ni Austin na magpatuloy ang magandang partnership ng Pilipinas at US para mas ma-modernize ang kapabilidad at interoperability ng Philippine at US forces.

Latest News