Pagkakaroon ng 4 pang EDCA sites sa bansa, napagkasunduan ng Pilipinas at Amerika

by | Feb 2, 2023

Napagkasunduan ng Estados Unidos at Pilipinas ang pagtatatag ng apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.

Sa statement ng Department of National Defense (DND), nakasaad na plano ng dalawang bansa na pabilisin ang full implementation ng EDCA sa pamamagitan ng pagkakaroon pa ng karagdagang apat na EDCA sites sa bansa na ilalagay sa mga strategic area sa bansa.

Ang mga karagdagang lokasyon ay mas makapagpapabilis sa paghahatid ng suporta sa humanitarian at climate-related disasters sa Pilipinas at pagresponde sa mga hamong kinakaharap ng dalawang bansa.

Una nang naglaan ang Amerika ng $82 million para sa infrastructure investments sa existing 5 EDCA sites.

Ilan sa mga pre-determined EDCA sites ay sa Antonio Bautista Air Base sa Palawan na malapit sa Kalayaan Group of Islands, Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija kung saan matatagpuan ang pinakamalaking military camp at madalas pagdausan ng Philippine-US military exercises.

Ang dalawang EDCA site na natukoy ay sa Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu at Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City.

Matatandaang nalagdaan ang EDCA noong 2014 upang tugunan ang pananakop ng China sa West Philippine Sea at para tumugon sa mga kalamidad.

Latest News