Magandang samahan ng Pilipinas at Estados Unidos, magpapatuloy hanggang sa hinaharap ng bansa ayon kay PBBM

by | Feb 2, 2023

Mararamdaman hanggang sa hinaharap o future ng Pilipinas ang tulong ng Estados Unidos.

Ito ay ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang mensahe sa isinagawang courtesy call ni US Defense Secretary Lloyd James Austin sa Malacañang ngayong umaga.

Ayon sa pangulo, matibay na ang samahan ng Pilipinas at Amerika kaya anuman ang mangyari sa hinaharap ay palaging kasama ng Pilipinas ang Estados Unidos.

Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos Jr., sa ikalawang beses na pagbisita ni US Defense Secretary sa bansa.

Dahil nagkakaroon aniya ng pagkakataon na magpalitan ng ideya at komento patungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng geopolitical o ang usapin patungkol sa pulitika partikular sa international relations na naiimpluwensyahan ng geoprahical factors sa Asia Pacific Region.

Sinabi pa ng pangulo ang mahaba at magandang samahan ng Pilipinas at Estados Unidos ay nagtutulungan aniya hindi lang sa usapin ng geopolitical kundi maging ang economic waters.

Latest News