DND, nagpasalamat sa Estados Unidos sa Congressional Gold Medal na ginawad sa mga beterano

by | Feb 2, 2023

Taos-pusong nagpapasalamat si Department of National Defense (DND) Secretary Carlito Galvez Jr., sa Estados Unidos sa pagkilala ng mga sakripisyo ng Pilipinong beterano ng ikalawang digmaang pandaigdig sa pamamagitan ng paggawad ng Congressional Gold Medal.

Ang pahayag ay ginawa ni Galvez sa ika-22 United States Congressional Gold Medal Awarding Ceremony para sa 38 Pilipinong beterano sa Camp Aguinaldo nitong Martes.

Ayon sa kalihim, ang pagtanggap ng mga beterano ng Congressional Gold Medal ay napapanahon sa pagbisita sa bansa ni US Secretary of Defense Lloyd J. Austin III.

Pinasalamatan din ng kalihim ang Philippine Veterans Affairs Office sa pangunguna ni Administrator Undersecretary Reynaldo Mapagu at dating Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa kanilang pagsulong ng lehislasyon na nagkaloob ng Congressional Gold medal at mga benepisyo sa mga Pilipinong beterano.

Nabatid na mula 2018, 628 beterano na ang nakatanggap ng nasabing parangal.

Latest News