Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., na magiging patas at makatarungan ang magiging rekomendsayon ng binuong Committee of Five.
Ito ang inihayag ng PNP chief makaraang tanggapin nito ang pagkakasama niya bilang isa sa mga bubuo sa 5-man committee na siyang sasala sa mga inihaing courtesy resignation ng 3rd level officials sa hanay ng pulisya.
Ayon kay Azurin, batid niya ang mabigat na hamong kaniyang kahaharapin bilang isa sa mga hahatol sa kapalaran ng mga pulis na mapatutunayang sangkot sa iligal na droga.
Gayunman, nagpapasalamat si Azurin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kumpiyansa at tiwalang ibinigay sa kaniya gayundin kay Department of the Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos.