Isang barangay sa Pasay City, humiling sa DZXL 558 – Radyo Trabaho na magsagawa ng medical mission

by | Feb 1, 2023

Hiniling ng mga opisyal ng Barangay 180 sa lungsod ng Pasay na magsagawa sana ng medical at dental mission ang DZXL 558 – Radyo Trabaho sa kanilang lugar.

Sa pagbisita ng DZXL 558 – Radyo Trabaho Team, ibinahagi ni Brgy. 180 Ex-O Chito Casido na kulang na ang suplay ng kanilang mga gamot at halos kakaunti na lamang din ang nagdo-donate.

Ayon kay Casido, matagal na rin ng huling magsagawa ng medical mission sa kanilang barangay at ngayong taon na lamang din na may nagtungo sa kanila upang magbigay ng serbisyo publiko at sorpresa sa bawat residente.

Sa pag-iikot ng DZXL 558 – Radyo Trabaho Team, isa-isa rin natin naka-kuwentuhan ang mga residente at ilan sa mga ito ay nabuhayan ng loob dahil mayroon ng aalalay sa kanila para magkaroon na ng trabaho lalo na ngayong nagbukas na ang ekonomiya ng bansa matapos ang pandemya.

Kasabay nito, hinimok ng DZXL 558 – Radyo Trabaho Team ang mga residente sa Barangay 180 na magpasa ng kanilang resume upang kahit papaano ay magkaroon sila ng pag-asa na magkahanap-buhay upang makatulong sa kani-kanilang pamilya.

Latest News