Binalaan ni Justice Secretary Crispin Remulla ang mga abogado na nagsasampa ng mga gawa-gawang kaso para mahadlangan ang deportation ng undesirable aliens sa bansa.
Sa harap ito ng sinasabing mga kaso laban sa pinapa-deport na Japanese nationals na pinaniniwalaan ni Remulla na inimbento lang upang hindi sila maipatapon pabalik ng Japan.
Ayon sa kalihim, lumang taktika ng mga abogado ang paghahain ng mga imbentong kaso para hindi maipa-deport sa country of origin ang mga wanted na dayuhan sa Pilipinas.
Sinabi ni Remulla na sasampahan nila ng disbarment case ang mga abogadong nakikipagsabwatan sa undesirable aliens sa bansa.
Hindi kasi maaaring ipa-deport ang isang dayuhan kung may pending itong kaso sa Pilipinas.