Muling tutungo sa ibang bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang kanyang delegasyon.
Sa susunod na linggo, partikular mula February 8 hanggang February 12 ay magsasagawa ng official working visit ang pangulo sa Japan.
Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs Neal Imperial sa ginanap na pre-departure briefing sa Malacañang.
Makakasama ng pangulo sina First Lady Liza Araneta-Marcos, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Senate President Migz Zubiri, House Speaker Martin Romualdez at iba pang opisyal ng pamahalaan sa kaniyang official working visit sa Japan.
Inaasahang makikipagkita si Pangulong Marcos kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa kaniyang 4-day working visit sa Japan.
Inaasahan din na sa gagawing official visit sa Japan na malalagdaan ang ilang loan agreement partikular sa sektor ng imprastraktura.
Mapagtitibay rin sa gagawin official working visit ng pangulo ang maayos na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Lalo na ang PH-Japan strategic partnership sa lahat aspeto at ma-facilitate ang closer defense, security, political, economic at people-to-people ties.
Nabigyan din ng pagkakataon ang pangulo at kanyang first lady para sa Imperial audience kina Majesty Emperor Naruhito at Empress Masako.