PBBM, nakakuha ng malaking investment pledges mula Grab na magbibigay ng 500,000 bakanteng trabaho para sa mga Pilipino

by | Feb 3, 2023

Nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng malaking investment plegdes mula sa Grab Holdings Incorporated.

Ito ay matapos na makipagpulong sa mga opisyales ng Grab sa Palasyo ng Malacañang kahapon.

Sa pagpupulong, napag-usapan ang rekomendasyon ng Grab na tutulong sa pagsasamoderno ng transportasyon sa bansa.

Kasabay ng pangako ni Grab CEO at co-founder na si Anthony Tan na ito ay magbibigay ng mas maraming bakanteng trabaho para sa mga Pilipino.

Ayon sa pangulo, ipagpapatuloy ng Marcos administration ang paghahanap ng investment upang mas maraming bakanteng trabaho ang maibibigay nito sa Pilipinas matapos mahigit dalawang taong pandemya kung saan marami ang nawalan ng hanapbuhay.

Kaya naman interesadong interesado ang pangulo sa porposals ng Grab dahil para sa ito employment generation.

Dagdag pa ng pangulo, sa kanyang pamumuno nakapagbigay na sila ng halos dalawang milyong trabaho simula nang bumagsak ang ekonomiya dahil sa pandemya.

Latest News