Pagtatayo ng panibagong ospital para sa mga pasyenteng may cancer, inaprubahan ni PBBM

by | Feb 3, 2023

Aprubado na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Cancer Center.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, layunin ng pangulo sa pag-apruba ng proyekto ay upang mas maging moderno ang health infrastrature ng bansa partikular sa oncology services at cancer care.

Sinabi ni Garafil, inaprubahan ng NEDA ang ₱65 bilyong halaga ng konstruksyon na may 300 bed capacity hospital.

Layunin ng proyekto na makabuo ng mala-UP-PGH na ang dedicated para sa mga cancer hospital.

Ang Cancer Center ay may lot area na 3,000 square meters na malapit sa UP-PGH campus sa Manila.

Ang gusali aniya ay may 300 higaan, 15 hanggang 20 palapag, may 350 parking spaces, may 1,000 square meter na commercial space at area para sa tatlong linear accelerators (LINAC) bunkers.

Ang itatayong ospital ay magbibigay ng full range of cancer treatments, kabilang ang radio oncology (radiotherapy), imaging, medical oncology at suporta para UP-PGH teaching at research activities.

Latest News