Inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Deparment of Agriculture (DA) na paigtingin ang suporta sa mga magsasaka at mangingisda.
Ayon sa pangulo, paigtingin ang direktang ugnayan sa merkado at huwag nang dumaan sa mga middleman na nagreresulta sa mas mataas na presyo ng bilihin.
Sa isang statement, sinabi ng pangulo na palakasin market linkages sa mga contract farming katulad ng hotels, restaurants at iba pang institutional buyers para bumili ng ani at huli ng mga magsasaka at mangingisda.
Sinabi pa ng pangulo sa pamamagitan nang mas mabilis na food mobilization strategy ay naiiwasan ang oversupply at kawalan ng kita ng mga magsasaka.