Facebook page ng pinuno ng MPD, napasok ng mga hacker

by | Feb 3, 2023

Nagpaalala ang pamununan ng Manila Police District (MPD) sa publiko na huwag ng i-entertain ang anumang mensahe o post na magmumula sa Facebook page ng pinuno nito na si BGen. Andre Dizon.

Nabatid kasi na napasok na ng mga hacker ang kaniyang account at hindi na ito narekober pa.

Sa mensahe ni Dizon, mismong ang mga hacker na ang kumokontrol sa kaniyang Facebook page kaya’t kung may magpadala ng mensahe mula rito ay balewalain na lamang ng publiko.

Sakali naman may mag-personal message sa publiko at gustong makipagkita, pinapayuhan na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa MPD upang masakote ang mga nasa likod nito.

Kaugnay niyan, gumawa na lamang ng panibagong Facebook page si Dizon upang malaman pa rin ng publiko lalo na mg mga residente ng Maynila ang update o mga kaganapan sa lungsod.

Latest News

Share This