MMC, pinag-aaralang magsagawa ng dry run ng single ticketing system sa NCR

by | Feb 2, 2023

Imumungkahi ng Metro Manila Council (MMC) na magsagawa ng dry run ng single ticketing system sa Metro Manila.

Ayon kay MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, ito ay upang maintindihan ng publiko ang bagong sistema bago ang aktwal na implementasyon nito sa Abril.

Magkakaroon din aniya sila ng information campaign para rito.

Ayon sa alkalde, posibleng mapaaga ang pagpapatupad ng single ticketing system kung sa tingin nila ay handa na ang mga traffic enforcers ng MMDA at ng mga lokal na pamahalaan.

Samantala, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting Chairman Armando Artes, bibigyan nila ang kanilang mga traffic enforcers ng refresher course sa bagong traffic rules sa NCR.

Inaasahan din daw nila ang ilang glitches sa unang buwan ng implementasyon ng single ticketing system.

May hanggang March 15 ang mga Local Government Unit (LGU) sa National Capital Region (NCR) para amyendahan ang kani-kanilang ordinansa hinggil sa mga polisiya sa batas-trapiko nang alinsunod sa inaprubahang Metro Manila Traffic Code of 2023.

Latest News