Minor injuries, bitak sa mga gusali, naitala kasunod ng magnitude 6 na lindol sa Davao de Oro – PDRRMO

by | Feb 2, 2023

Ilang minor injuries at bitak sa mga gusali ang naitala sa Davao de Oro kasunod ng pagtama ng magnitude 6 na lindol sa Compostela kahapon.

Ayon kay Davao de Oro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Joseph Randy Loy, dalawang estudyante sa New Bataan ang nagtamo ng minor injuries dahil sa lindol.

Nakitaan din ng mga bitak ang ilang government offices sa doon.

Ilang pasyente naman ang pansamantalang inilikas sa covered court matapos na makitaan ng crack ang Davao de Oro Provincial Hospital sa bayan ng Montevista.

Habang sa bayan ng Nabunturan, isang pamilya ang tuluyang nawasak ang bahay at ngayon ay nakikitira muna sa kanilang kaanak.

Wala namang naitalang problema sa suplay ng tubig, kuryente at komunikasyon sa davao de oro.

Nagpapatuloy pa ang assessment ng PDRRMO sa naging pinsala ng lindol.

Latest News