Pinaplantsa na ng Department of Health (DOH) ang guidelines sa paggamit ng bivalent COVID-19 vaccines.
Pinag-aaralan na rin ng DOH ang iba’t ibang estratehiya at allocation mechanism ng paggamit ng bakuna.
Kinumpirma rin ng DOH na sa ngayon ay may nakalaan nang initial donation ng 1 million doses ng bivalent COVID-19 Pfizer vaccines mula sa COVAX Facility.
Dadating ito sa bansa sa katapusan ng March 2023.
Kinumpirma rin ng DOH na sa unang batch ng bivalent vaccines, prayoridad dito ang A1 o healthcare workers, A2 o senior citizens at A3 o mga indibidwal na may comorbidities.
Kapag pumasok na ang karagdagang doses, dito pa lamang palalawakin ang pagbabakuna sa ibang populasyon.