Dating DBM Undersecretary Mario Relampagos, pinalaya na ng Sandiganbayan matapos ibasura ang 11 kasong graft na may kinalaman sa PDAF Scam

by | Feb 2, 2023

Ibinasura na ng Sandiganbayan ang 11 kasong graft ng dating Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary na si Mario Relampagos.

Sa 118 desisyon ng ng Fifth Division ng Anti-Graft Court, sinabi nitong nabigo ang Ombudsman na magpakita ng mabigat na ebidensya para sabihin na nakipagsabwatan si Relampagos sa dating Kongresista ng Masbate na si Rizalina Seachon-Lanete.

Nag-ugat ang kaso sa ₱107 million na Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mambabatas noong 2007 hanggang 2009 noong ito pa at miyembro ng Kongreso.

Sabi ng Sandiganbayan, hindi na ipakita ng Ombudsman na pumirma sa Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allowance ang dating DBM undersecretary.

Dahil dito, inutusan ng korte ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na palayain si Usec. Relampagos.

Latest News