216 na pamilya na nasunugan sa Bataan, nabigyan ng bagong bahay ng NHA

by | Feb 2, 2023

Nasa 216 na pamilya na nasunugan sa Bataan ang nabigyan ng bagong bahay ng National Housing Authority (NHA).

Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, bukod sa mga nasunugan ay nabigyan din ng pabahay ang mga naninirahan sa gilid ng waterways sa Orion, Bataan.

Matatagpuan ang anim na three-story low-rise buildings sa 1-Bataan Village Phase 1 Project, Brgy. Daan Pare, Orion, Bataan na may sukat na 27 square meter kada unit.

Latest News

Share This