Suporta sa peace and order campaign ng militar sa Mindanao, tiniyak ng Japan

by | Feb 1, 2023

Tiniyak ni Japanese Consul General Ishikawa Yoshihisa kay Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lt. Gen. Roy Galido ang patuloy na suporta ng Japan sa peace and order campaign ng militar sa Mindanao.

Ito’y sa pagpupulong ng dalawang opisyal nang bumisita ang Consul General sa Westmincom headquarters sa Camp Navarro, Calarian, Zamboanga nitong Lunes.

Siniguro naman ni Lt. Gen. Galido sa Consul General na mapayapa at ligtas ang sitwasyon sa Zamboanga City.

Kasama sa mga tumanggap sa Japanese Embassy delegation si Col. Elmer Suderio, ang Chief of Unified Command Staff, at iba pang matataas na opisyal ng Westmincom.

Ang Japanese Embassy delegation ay nasa Zamboanga City para makipag-ugnayan sa mga Japanese descendants sa Zamboanga Peninsula.

Latest News