Single-ticketing system, ipatutupad na sa Metro Manila sa Abril

by | Feb 1, 2023

Inaprubahan na ng Metro Manila Council (MMC) ang pagpapatupad ng single ticketing system sa mga lalabag sa lahat ng traffic violation sa National Capital Region.

Kasunod ng isinagawang pagpupulong kaninang umaga ng MMC, sinabi ni MMC head at San Juan City Mayor Francis Zamora na may hanggang Abril 2023 ang lahat ng Local Government Unit sa Metro Manila na maglabas ng ordinansa hinggil dito at inaasahan magiging epektibo ng Abril.

Sa ilalim ng Metro Manila Traffic Code of 2023, magiging standard na ang penalty o multa sa 20 traffic violations sa buong Metro Manila.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
• Disregarding traffic signs
• Illegal parking (attended and unattended)
• Number coding UVVRP
• Truck ban
• Light truck ban
• Reckless Driving
• Unregistered motor vehicle
• Driving without license
• Tricycle ban
• Obstruction
• Dress code for motorcycle
• Overloading
• Defective motorcycle accessories
• Unauthorized modification
• Arrogance/Discourteous conduct (driver)
• Loading and Unloading in Prohibited Zones
• Illegal counterflow
• Over speeding
• Special laws:
• Seat Belts Use Act of 1999
• Child Safety in Motor Vehicles Act
• Mandatory Use of Motorcycle Helmet Act
• Children’s Safety on Motorcycle Act
• Anti-Distracted Driving Act
• Anti-Drunk and Drugged Driving Act

Sa ngayon ay ina-amyendahan na ng MMDA ang ipapataw na multa sa mga lalabag sa batas trapiko sa Metro Manila.

Latest News