Sen. Bato Dela Rosa, pinayuhan ang mga pulis na pagkatiwalaan ang proseso ng paglilinis ng institusyon

by | Feb 1, 2023

Pagkatiwalaan ang proseso…

Ito ang naging payo ni Senator Ronald Bato dela Rosa sa mga senior officers ng Philippine National Police (PNP) na pinagsumite ng ‘courtesy resignation’ bilang bahagi ng internal cleansing sa institusyon.

Sa pulong balitaan, natanong ang senador kung demoralisado ba ang mga pulis sa kautusang ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kasunod ng mga ulat na ilan sa mga opisyal ang nasasangkot umano sa iligal na droga.

Aminado si dela Rosa na marami sa mga pulis ngayon ang takot magsalita patungkol sa ‘courtesy resignation’ dahil sila ay nasa aktibong serbisyo pa.

Bukod dito, ayaw din ng mga pulis na kagalitan sila ng kanilang mga superiors kaya ang ginagawa lang ng mga ito ay sumunod at sumunod lang sa utos.

Payo na lamang ng senador sa mga pulis, ay pagkatiwalaan ang proseso at magiging maayos din ang lahat.

Kung wala naman aniyang ginagawang kalokohan at hindi sangkot sa iligal na droga ay tiyak naman na hindi tatanggapin ang resignation.

Latest News