Pinapadagdagan ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang buwis na ipinapataw sa ilang luxury items.
Nakapaloob ito sa inihain ni Salceda na House Bill 6993 na layuning amyendahan ang Section 150 ng National Internal Revenue Code para maitaas sa 25% ang dating 20% na tax sa ‘non-essential’ goods.
Kasama dito ang mga mamahaling relo, bags, belts at iba pang leather items na mahigit P50,000 ang presyo, gayundin ang luxury cars, private jets, residential property na halagang P100 million pataas, at mga alcoholic beverage na P20,000 pataas ang presyo.
Ayon kay Salceda, ang kanyang panukala ay inaasahang magbubunga sa dagdag na P15.50 billion na koleksyon ng gobyerno.