Importante na nagpapatuloy ang gobyerno sa pagbibigay ng halaga sa external relations batay na rin sa Philippine Foreign Policy.
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ginanap na Vin d’ Honneur sa Malacañang kagabi sa harap na rin ng aktibong pagsusulong ng international engagement na batayan para sa national interest ng bansa.
Sinabi ng pangulo ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay patuloy na nagiging cornerstone ng Philippine foreign policy, ito ay sa harap na rin nang inaasahang pag-angat ng relasyon may kaugnayan sa mas maraming bilateral at multilateral partners ng bansa.
Tiniyak ng pangulo na pagsisikapan ng gobyerno na magtrabaho kasama ang United Nations.