Itinanggi ng National Bureau of Investigation (NBI) ang alegasyon na umano’y sangkot ang ilang opisyal at tauhan ng NBI Task Force Against Illegal Drugs sa pag-abuso at torture sa magkapatid na suspek sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Kaugnay ito ng isinampang kaso ng ina ng dalawang suspek dahil sa umano’y torture at gawa-gawang mga kaso laban sa kanyang mga anak.
Sa isang pahayag, sinabi naman ng NBI na wala pa itong natatanggap na formal complaint kaugnay ng isyu.
Gayunman, handa namang sagutin ng NBI ang lahat ng reklamo laban sa kanilang mga tauhan.
Kaugnay nito, tiniyak din ng ahensya na hindi naman makakaapekto ang kaso sa paggampan nila ng kanilang mandato sa publiko.