MWSS, nagsagawa ng information forum kaugnay sa proyekto ng Kaliwa Dam

by | Feb 1, 2023

Nagsagawa ng public consultation ng Metropolitan Water Sewerage System (MWSS) upang talakayin ang iba’t ibang isyu na may kinalaman sa itinatayong Kaliwa Dam Project sa lalawigan ng Quezon.

Dumalo rin sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan at National Cultural on Indigenous People Secretary Allen Capuyan.

Sa naturang konsultasyon, nagkaroon ng pagkakataon ang lokal ng pamahalaan at mga katutubo na ilahad ang kanilang mga saloobin.

Kabilang na rito ang maaaring maging epekto sa tahanan at lupain ng mga katutubo habang ang pagsira sa kalikasan ang concern ng mga munisipyo ng Quezon.

Sabi ng MWSS at DPWH, ang Kaliwa Dam Project ay isang paraan ng gobyerno para maibsan ang kakapusan ng suplay ng tubig sa Metro Manila at CALABARZON.

Tiniyak nila sa publiko, tinatanggap nila ang hinaing ng mga katutubo at lokal na pamahalaan at ito ay isasaalang-alang nila habang itinatayo ang naturang proyekto.

Ang Kaliwa Dam Project ay sinimulan noong nakaraang administrasyon para hanapan ng solusyon ang problema ng mahigit 15 milyong residente ng National Capital Region sa water supply.

Latest News