Mga health worker, patuloy na makakatanggap ng COVID-19 allowance sa kabila ng expiration ng state of calamity dahil sa pandemya

by | Feb 1, 2023

Makakatanggap pa rin ang mga health worker ng COVID-19 allowance kahit wala na sa state of calamity ang bansa dahil sa pandemya.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos na makipagpulong sa mga health official sa Malacañang.

Ayon sa pangulo, pinag-aralan nilang mabuti na hindi maapektuhan ang allowances ng mga health worker kahit pa hindi na ituloy ang state of calamity.

“Tuloy-tuloy ‘yan… ‘Yong inaalala ko dati na hindi matutuloy ang compensation para sa ating health workers, ‘yung mga health worker, ‘yung allowance nila ay pinag-aralan namin nang mabuti kahit hindi itinutuloy ang state of calamity ay hindi maapektuhan ang pagbayad doon sa ating mga health worker ng kanilang benefits.” – President Ferdinand Marcos

Una nang nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 929, na nagdedeklara ng state of calamity sa bansa mula March 2020 nang dumami ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dapat ay anim na buwan lamang magtatagal ang deklarasyon ng state of calamity pero nadagdagan pa ng isang taon ang pagpapalawig dito.

Latest News