3 matataas na opisyal ng CPP-NPA, nadakip ng mga awtoridad

by | Feb 1, 2023

Arestado ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang 3 itinuturing na matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa ikinasang operasyon sa General Santos City.

Kinilala ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, P/BGen. Romeo Caramat ang mga naaresto na sina Ruben Saluta, Presentacion Cordon Saluta at Yvonne Losaria.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa kinaroroonan ng tatlo kung kaya’t nagkasa sila ng operasyon sa Doña Soledad sa Barangay Labangal nitong Lunes na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.

Ayon kay Gen. Caramat, si Ruben ay may katungkulang secretary ng National Propaganda Commission ng CPP Central Committee at dating Secretary ng Regional Party Committee ng NPA sa Panay.

Habang pinuno naman si Presentacion ng Komiteng Rehiyonal ng Panay at si Losaria ay lider ng Sentro de Gravidad, Guerilla Front 35, Southern Mindanao Regional Committee.

Kasunod ng pagkakaaresto sa tatlo ay narekober din ng pulisya at militar ang matataas na kalibre na mga baril.

Latest News