WATCH: Tindero ng vegetable slicer, nag-demo ng produkto sa loob ng jeep

334
Courtesy Misael Ramos

Hindi lamang sa loob ng mall puwedeng mag-demo ng produkto, pati na rin sa umaandar na jeepney.

Patok ngayon online ang level-up na marketing strategy ng isang tindero ng vegetable slicer para makabenta ng marami.

Ang target niyang buyers, mga pasahero mismo ng isang jeepney

INNITY ADS

Sa kuhang video ni Misael Ramos, maririnig ang galing ng lalaki sa sales talk habang ipinapakita ang samu’t-saring paraan ng paghiwa at pag-gayat ng mga gulay gamit ang inilalakong produkto.

Nagmistulang nagde-demo siya sa loob ng isang establisyimento dahil na rin sa suot na lapel microphone.




Isinagawa ang viral na diskarte habang bumabiyahe ang pampublikong sasakyan sa Lucena City noong Pebrero 26.

Bunsod ng malupitang teknik, nakumbinsi ang uploader na bumili ng produkto na nagkakahalagang P100.00

“Mapapabili ka talaga sa marketing skills ni Kuya! Shout-out sa’yo Kuya! Isa kang bayani ng iyong Pamilya. 👏😂🔥,” post ni Ramos sa social media. 

Pumalo na sa mahigit 100,000 reactions at 2.6 million views sa Facebook ang video na ibinahagi ng netizen.