WATCH: Paninda ng isang lolo, binili lahat ng isang good samaritan

472

Pinusuan online ang pagmamalasakit ng isang babae tungo sa matandang lalaki na nagbebenta ng mais at saging sa labas ng palengke.

Sa kuhang video ni Jolina Serit, makikitang pinakyaw ng good samaritan ang lahat ng paninda ni lolo at labis pa ang ibinigay na bayad.

Nangyari raw ang nakatutuwang tagpo sa labas ng tindahan niya sa Pembo market, Makati City nitong Linggo ng hapon.

INNITY ADS

Kuwento ng uploader, naawa raw ang good samaritan sa tindero at gusto niyang makauwi na ito ng maaga.

“Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaya pinost ko kabaitan ni ate,” sabi pa ni Jolina na may kasamang smiley at heart na emoji.




Kaya hiling ng netizen, sana tularan ng iba ang kabaitang ipinakita ng babae at matulungan si lolo na araw-araw pumupuwesto roon para magtinda.

Sa loob ng tatlong araw, umabot na sa mahigit 30,000 reactions sa social media ang nasabing kuwento.

(VIDEO CLIP COURTESY OF JOLINA SERIT)