WATCH: Pamimigay ng relief goods, nagmistulang graduation ceremony

306
Courtesy Nheil Benedict

Bumagyo, lumindol, o sumabog man ang bulkan, hindi pa din nawawala sa mga Pinoy ang pagiging masiyahin at palabiro.

Kinagigiliwan online ang video ng pamamahagi ng donasyon ng isang pribadong grupo sa Brgy. Balayong,  na nagmistulang graduation ceremony.

Sa kuha ng bakwit na si Nheil Benedict Simara, maririnig ang patok na graduation song habang hinihintay ng mga residente na tawagin ang pangalan.

INNITY ADS

Maliban sa tugtog, umakyat din sila sa stage para makuha ang relief goods, katulad ng mga nagaganap sa pagtatapos.

Kuwento ng uploader, napagkatuwaan daw nila at pati mga good samaritan na gawin ‘yun upang makapaghatid ng good vibes sa mga kapwa-bakwit.




Umabot na sa mahigit 2.4 million views at 100,000 shares sa Facebook ang nakatutuwang video.