WATCH: Pari, tuloy sa pagmimisa kahit lubog sa baha ang simbahan

1211
Courtesy Fr. Mon Garcia

Lubog man sa baha ang simbahan, hindi pa rin natitinag ang pananampalataya sa Diyos ng ilang residente ng Sitio Pariahan, Bulakan, Bulacan.

At kahit halos abot-baywang niya ang tubig, itinuloy pa rin ni Fr. Mon Garcia ang pagmimisa sa lugar noong Mayo 9.

Sa video at litrato na ipinost ng pari, makikita ang mga parokyano na nakasakay sa kani-kanilang bangka habang nakikinig ng salita ng Diyos.

Posted by Mon R Garcia III on Friday, May 8, 2020

Ayon kay Fr. Garcia, nagdaos siya roon ng misa bilang pagdiriwang ng pista ng patron nilang si Santa Cruz.

Taong 2009 nang simulang makaranas ng land subsidence o unti-unting paglubog ng lupa ang Sitio Pariahan.




Base sa pag-aaral ng mga eksperto, ilan sa mga pangunahing rason ng subsidence ay ang labis na paghigop ng tubig galing sa ilalim ng lupa at pagbabago ng gamit sa kalupaan bunsod ng paglobo ng populasyon.

Mabilis naman nag-viral sa social media ang nakaaantig na tagpo, na sobrang hinangaan ng mga netizens.

Posted by Mon R Garcia III on Friday, May 8, 2020

Dahil dito, mayroon nang 260,000 views at 50,000 shares sa Facebook ang video ni Fr. Garcia.