WATCH: Guro, may kuwelang bersyon ng ‘Paa, Tuhod, Balikat, Ulo’

1894
Courtesy MJ Gallego

KALAMANSIG, SULTAN KUDARAT – Napukaw ng isang guro ang atensiyon ng mga netizen sa pamamagitan ng kuwelang pagtuturo ng awiting “Paa, tuhod, balikat, ulo”.

Sa video na ibinahagi ni MJ Gallego, full of energy si Teacher Adeline Cornito habang sumasayaw at kumakanta sa harapan ng mga bata.

Tila naging ganado ang mga Kinder-Grade 3 students mula Limulan Integrated School at game na nakipagsabayan sa pag-indak ni titser.

INNITY ADS

Ayon kay Cornito, ito ang diskarte niya upang makuha ang pansin ng mga musmos habang tuwang-tuwa sa pagsayaw at pagkanta.

Maging ang uploader, nag-enjoy sa istilo ng titser na naging epektibo daw sa mga mag-aaral.

Umani ng libu-libong positibong reaksyon sa social media ang bersyon ng “Paa, Tuhod, Balikat, Ulo” ni Ma’am Adeline na mayroong 1.2 million views.