WATCH: Bata nag-ala online seller, ‘ibinenta’ ang butas na brief ng ama

3019
Courtesy Athena Cantos

Good vibes ang hatid ng isang batang babae sa maraming netizen matapos mag-ala online seller sa Facebook.

At ang kunyaring itinitinda ng musmos, ang butas na brief ng tatay niya na walang kamalay-malay sa nangyayari.

Sa video na inupload ni Athena Cantos, aakalain mong bihasa na siya sa pagli-live selling dahil kuhang-kuha niya ang istilo ng mga negosyante sa pag-aalok ng mga produkto online.

INNITY ADS

Alam ng bibo kid kung paano ilalarawan ng maayos ang “for sale” na item at sinasabihan ang “potential buyers” na magsabi ng “mine” kapag gustong bilhin ang gamit.

Dahil nag-iisa na lamang ang brief, ibinida niyang bagsak-presyo na ito sa halagang P100.




Ipinakita din ng little online seller ang butas na bahagi ng underwear kaya nagpaalala siyang tahiin na lamang ito.

Inamin din ni Athena sa netizens na hindi pa alam ng padre de pamilya na nilalako niya ang brief nito.

Ang perang kikitain, gagamitin niya daw sana sa upcoming field trip sa paaralan.

Tila naging mabenta sa publiko ang “item” ng musmos matapos umabot sa mahigit 4 million views ang pagli-live selling kuno nito.