WATCH: Aktwal na pagputok ng mga kable ng kuryente sa Tondo, Manila

134

Sapul sa camera ng isang netizen ang mga nagpuputukang kable ng kuryente sa isang poste sa Barangay 116, Tondo, Manila nitong Miyerkoles ng gabi.

Sa kuha ni Christopher Jazz Esguerra, aakalaing may salubong ng bagong taon sa Quirino corner Dandan Street dahil sa lakas ng putukan.

Kaagad naman rumesponde sa lugar ang pulisya at mga kawani ng barangay.

INNITY ADS

Binigyan din sila ng mga residente ng buhangin na kanilang inihagis sa mga linyang nagliliyab.

Upang tuluyang mawala ang apoy, ginamitan na ito ng mga awtoridad ng fire extinguisher.




Ilang oras daw nawalan ng kuryente ang mga kabahayan doon pero naibalik din agad matapos kumpunihin ng mga taga-Meralco.

Ayon sa Meralco, nagkakaroon daw ngayon ng power shortage bunsod ng sabay-sabay na paggamit ng kuryente sa panahon ng enhanced community quarantine.