VIRAL: Pari, nagbebenta ng isda; perang kita ibinibili ng relief goods

1042

Para makatulong sa mga apektado ng community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic, nagdesisyon ang isang pari ng Santa Clara, Lamitan City, Basilan na maglako ng isda upang may pambili ng relief goods.

Nakapuwesto sa labas ng simbahan ang munting tindahan ni Fr. Joel Silagpo na madalas puntahan ng mga residenteng gusto rin mag-abot ng tulong.

Ang unang kita ni Fr. Silagpo, ibinili niya ng pagkain na agad ipinamahagi sa mas higit na nangangailangan.

Sinisikap ng pari na bigyan ng ayuda ang lahat ng sibilyan doon, kahit anuman ang relihiyon nito.

Because of the pandemic caused by COVID-19, 2 Priests thought of selling fish and vegetables, and the income was bought…

Posted by Caritas Cubao-SSDM on Wednesday, May 20, 2020

Pagkaklaro ng pari, may inaabot na tulong ang lokal na gobyerno roon at sariling desisyon niya ang pagkakawang-gawa.




Hindi naman ito ang unang beses na nag-kawang gawa ang kura paroko.

Taong 2017 nang maisipan ni Fr. Silagpo na magbenta rin ng isda upang makaipon ng dagdag pondo para sa simbahang itinatayo sa lungsod.

Nahinto raw kasi ang konstruksyon nito dahil sa kakulangan ng budget kaya nagpursige siyang makalikom ng pera.

Nasa ilalim ngayon ng general community quarantine ang Basilan na nanatiling COVID-19 free.

(PHOTO COURTESY OF FR. JOEL SILAGPO)