VIRAL: Mga pulis, pinakyaw ang panindang gulay ng isang batang babae

732
Photo: Facebook/Rolyn Garbo

Isang grupo ng mga pulis ang nagmagandang-loob sa batang babaeng nagtitinda ng gulay sa Pili, Camarines Sur, sa kabila ng panganib ng COVID-19.

Sa viral na post, ibinahagi ng netizen na si Rolyn Garbo na namataan nilang mag-isang nagtitinda ng sitaw ang bata sa liblib na bahagi ng Barangay Binanuaanan noong Agosto 4.

Nang babalikan na raw sana nila ang bata, naabutan nila ang isang grupo mula sa Pili Municipal Station na pinakyaw ang paninda nito.

INNITY ADS

Pinaalalahanan din ng mga pulis ang menor de edad na mag-ingat.

Mariing pinapayuhan ang mga senior citizen, at mga may edad 21 pababa na huwag lumabas bilang pag-iingat sa COVID-19.




Ngunit gaya ng batang babae, may ilang sadyang napipilitang makipagsapalaran.

Pinuri naman ng netizens ang simpleng kabutihang ipinamalas ng mga pulis.