VIRAL: Magkasintahan nag-bisikleta papunta sa kanilang kasal

793
Courtesy Mutya Tamondong Endrina

Sa kuhang bidyo ni Mutya Tamondong Endrina, makikitang naka-angkas ang babae sa likurang bahagi habang nakasuot ng wedding gown at nag-bi-bike naman ang lalaking nakabihis ng barong tagalog.

Kuwento ng ngayo’y mag-asawa na sina Roger Delen at Kenneth Pasaol, nang mabalitaan nilang may magaganap na kasalang bayan sa lugar nila, hindi sila nag-dalawang isip na sayangin ang pagkakataon.

Mahigit dalawang dekada nang nagsasama sina Roger at Kenneth pero hindi magawang magpakasal dahil salat sa buhay.

INNITY ADS

Ayon sa dalawa, walang problema kung wala silang nakuhang kotse sapagkat kaya nilang magtungo sa seremonya nang naka-bisikleta.