VIRAL: Lalaking putol ang kamay, tumulong sa pagre-repack ng relief goods

1077

Pinatunayan ng isang persons with disability sa Cadiz City, Negros Occidental na hindi hadlang ang kondisyon niya para makatulong sa kapwa.

Putol man ang isang kamay, patuloy pa rin sa pagre-repack ng relief goods ang lalaking nakasuot ng pulang shirt na kinilalang si Nonoy.

Ang nakaaantig na tagpo, ibinahagi mismo ni Mayor Salvador Escalante sa kaniyang Facebook noong unang linggo ng Abril.

INNITY ADS

“Ask not what your country can do for you, but rather what you can do for your country!,” sabi ng alkalde sa social media.

Bumuhos naman ng pagsaludo at papuri sa comment section ng opisyal tungkol sa pagmamalasakit ni Kuya Nonoy sa mga nangangailangan.




“Good deeds…wear mask po for your protection din po. God bless kuya!”

“While others are busy making numerous suggestions on social media about this recent pandemic this unsung hero is helping the way he can.”

“Your so good and kind..may you have more more abundant GRACES TO COME.”

“Salamat kuya sa iyong effort na makatulong, God Bless!”

Pinusuan ng maraming netizen ang naturang video na mayroon nang 700,000 views at 10,000 shares.

Bagaman walang nagpositibo sa lugar, patuloy na umiiral ang enhanced community quarantine sa buong siyudad bilang proteksyon sa paglaganap ng COVID-19.