VIRAL: Lalaking may liver cirrhosis, pinakasalan ang nobya sa ospital

6031
Courtesy Ariel Aying Salupan

CEBU CITY – Hindi hadlang ang malubhang sakit para sa dalawang nagmamahalang nais magpakasal. At kahit binawian ng buhay ang lalaki, naiwan naman niya ang puso sa babaeng iniibig ng habambuhay.

Viral ngayon sa social media ang pag-iisang dibdib nina James at Evelyn Trangia-Zapanta na idinaos sa pagamutan kung saan nakaratay ang groom dulot ng liver cirrhosis.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Jayson Facunla ang seremonya nitong Linggo, Mayo 3, sa isang pribadong kuwarto sa Chong Hua Hospital na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

INNITY ADS

Naging posible ang palitan ng “I Do” dahil sa tulungan ng mga kabarkada ni James sa wedding industry.

“We were emotional and it was difficult to shoot because it was so painful to see our friend and kumpare in pain,” kuwento ni Ariel Aying Sapulan sa panayam ng Cebu Daily News Digital na naging photographer sa kasalang naganap.




Ang nakalap nilang donasyon ay ibinili nila ng cake, bulaklak, at damit na susuotin ng mag-asawa.

Pumanaw si James, isang araw matapos na matupad ang pangarap niya na makasal kay Evelyn.