VIRAL: Lalaki nanawagan sa photo studio na ‘ibalik ang tainga niya’

5842
Courtesy Kyeesah Usman Amil

Laking gulat ng isang lalaki sa Cotabato City sa kinalabasan ng hitsura niya sa isang identification picture.

Sa litratong pinost ni Hassim Elias Aragasi noong Lunes, mapapansing nawawala ang kanan tainga nito.

Kaya naman panawagan ni Aragasi sa photo studio kung saan siya nagpakuha, ibalik ang tinanggal na bahagi ng katawan niya.

INNITY ADS

“As far as I remember, pagpasok ko po sa studio kompleto pa tainga ko! Ginawa n’yo naman akong PWD,” nakatatawang mensahe ng binata.

Kuwento ng netizen, hindi niya napigilang ma-badtrip at magalit sa kumuha at nag-edit ng pinagawang ID picture.




Kalaunan, natawa na lang din si Aragasi sa pangyayari dahil humahagalpak na rin ang kasama niyang kaibigan noong mga oras na ‘yun.

Makalipas ang isang araw, bumalik na sa normal ang hitsura ng lalaki.

Ang one-of-kind post ng lalaki, umani ng mahigit 13,000 shares at 13,000 likes.