VIRAL: Kuya, nagsuot ng palda para makapag-exam ang kapatid

10771
Facebook/Jann-marco Christian

Wala nang hiya-hiya para sa isang lalaking game na nagsuot ng palda para sa nakababata niyang kapatid.

Kuwento ni Jann Bungcaras sa nag-viral niyang Facebook post, hindi pinayagang kumuha ng college admission test sa Cebu City ang kapatid niyang si Jea dahil sa suot na palda.

Upang hindi masayang ang oras at pagkakataon, ipinasuot niya na lang ang kanyang pantalon sa kapatid.

INNITY ADS

“My sister cannot take her college admissions test wearing this skirt, so I let her borrow my pants,” sabi ni Bungcaras.

Kasama sa post ang litrato ng palit-outfit nilang magkapatid, at ilang mirror selfie ng kuya na tila kinarir ang dilaw na mini skirt.




Sa ngayon, nasa 33,000 likes at 20,000 shares na ang post mula noong Biyernes.

“We never expected this to blow up, it was just a simple familial gesture I did for my sister so that she can take the exam on time and I just wanna share how cute we look,” ani Bungcaras.

“It is an honour that we were able to tug in your heartstrings and I hope these photos will encourage everyone to be kinder to one another- especially towards family,” dagdag niya.