‘Traydor kayo!’ Mommy Divine, gusto daw sampalin si Matteo; Sarah umawat

5511

Nauwi sa iyakan, sumbatan, at bahagyang sakitan ang masaya sanang pag-iisang dibdib nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli matapos magwala sa reception venue ang nanay ng tinaguriang Popstar Royalty.

Ito ang ikinuwento ng testigong si Letty Fuentes, kaibigan at relationship counselor ng dalawa, sa eksklusibong panayam ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe nitong Martes.

Aniya, ikinasal ang dalawa noong Huwebes, Pebrero 20 sa Victory Church – The Fort na pinangunahan ni Senior Pastor Paolo Punzalan.

INNITY ADS

Ang wedding reception ay ginanap naman sa isang high-end restaurant sa Shangri-La Hotels, Bonifacio Global City (BGC), Taguig City, kung saan naging ‘gatecrasher’ si Mommy Divine Geronimo.

Patapos na raw ang okasyon nang sumugod sa lugar si Mommy Divine at gusto pa daw sampalin si Matteo.




I know gusto niyang sampalin si Matteo, e. She was ready for a fight. Sabi ng mama niya, ‘Traydor kayo!’ Sigaw-sigaw, ang lakas talaga. Meron pa yatang nagmura or something,” saad ni Fuentes.

Dumating daw sa puntong naitulak at natumba ang singer-actress habang inaawat ang nag-eeskandalong ina.

Ipinakita din ng relationship counselor ang tinamong pasa matapos madamay sa gulo dahil hawak-hawak niya ang dalaga.

“Kasi she was pushed. Kasi inaano niya yung mommy niya, e… Naghahabulan. I was holding on [to] her. Pag-push sa kanya, ang layo. Gulong… Natumba siya.”

Labis raw ang pagkabigla at hagulgol ng dalaga sa naturang insidente.

For a while, matagal siyang medyo ano, kasi nanginginig,” ayon pa kay Fuentes.

Noon pa daw ay sinasabi ni Mommy Divine na hindi niya tatanggapin ang planong pagpapakasal ng anak sa nobyo.

Samantala, pinasinungalingan niya ang paratang na sinuntok ng actor-turned-army reservist ang bodyguard ni Geronimo.

“Walang brawling doon, wala ring baril. Kasi nabasa ko may baril pa raw. Kasi to the last moment, ‘yung malaking lalaki doon, sinasabihan ko siya na, ‘Huwag mo na ilapit kasi magkakagulo ‘yan.”