TINGNAN: Tricycle driver, lumuhod at nagdasal sa kasagsagan ng lindol sa Mindanao

480
Courtesy Conz Tulio

Sa halip na mangamba at matakot, lumuhod at nagdasal sa gitna ng kalye ang isang tricycle driver sa General Santos City para tumigil ang lindol.

Batay sa Facebook post na si Conz Tulio, nakuhanan niya ito ng retrato sa kanto ng Papaya Street, sa nasabing siyudad. Umani ng mahigit 6,000 likes at 13,000 shares sa Facebook ang naturang larawan.

Kuwento ng uploader, bumilib siya sa katapangan at matatag na pananampalataya ng namamasadang lalaki sa Panginoon.

INNITY ADS

Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang ilang parte ng Mindanao, pasado alas-2:00 ng hapon nitong Linggo.

Ayon sa Philippine Institute Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang epicenter ng lindol sa bayan ng Padada, sa Davao del Sur.




Tinamaan din ng lindol ang mga lalawigan ng Matanao at Magsaysay sa parehong probinsiya. Pati ang lungsod ng Davao at General Santos, hindi nakaligtas sa pagyanig.

Inaasahang magkakaroon ng aftershocks sa mga apektadong lugar at patuloy pa rin inaalam ng lokal na pamahalaan ang lawak ng pinsalang dinulot nito.