TINGNAN: Restaurant, gumamit ng ‘bumper tables’ para panatilihin ang physical distancing

481
Revolution Event Design and Production

Habang unti-unti nang lumuluwag ang lockdown kontra COVID-19, kanya-kanyang diskarte na rin ang mga nagbabalik na negosyo sa pagpapanatili ng kaligtasan ng kanilang customer.

Tulad ng isang restaurant sa Maryland, USA, na kinatuwaan dahil sa mala-bumper car na lamesa na ipinapagamit sa mga customer upang masiguro ang physical distancing.

Ipinakita ng Fish Tales Bar & Grill ang naisip nilang pamamaraan sa Facebook Live noong Sabado.

INNITY ADS

“New way to socialize safely! Only at Fish Tales! No alcoholic beverages were consumed while filming this live feed,” saad ng resto.

Makikita sa video na susuot ang customer sa malaking inflatable tube na mayroong gulong at sinadya para mapaglayo ang bawat isa nang anim na talampakan o 1.8 metro.




Pinasalamatan naman ng restaurant ang Revolution Event Design and Production, na nasa likod ng disenyo ng “bumper tables”.