TINGNAN: Residente sa UK, nagpanggap na halaman sa gitna ng lockdown para makalabas ng bahay

42254
(RepNickTV TikTok video screenshot)

Sa gitna ng coronavirus pandemic at pagkakaroon ng social distancing rules, isang residente mula United Kingdom (UK) ang gumawa ng kakaibang paraan para makalabas ng bahay.

Nakuhanan kasi ng magkasintahang Nicholas Murray at Madeline Mai-Davies ang kanilang kapitbahay na nakasuot ng kulay berdeng parang halaman nang lumabas ito sa kanilang tahanan.

Sa unang video na ibinahagi ni Murray sa kanyang TikTok account, mapapanood ito na tila tumatakbong halaman at mistulang nagtatago pa.

INNITY ADS

Aniya, “Next door neighbour trying hard not to get caught on lockdown…”

(RepNickTV TikTok video screenshot)

Sa pangalawang video na ipinost ni Murray, mapapanood na tila pabalik na sa kanyang bahay ang naturang residente.




Sa mga pagkakataong ito ay may hawak na siyang kulay kahel na bag na patuloy pa rin ang pagtatago sa mga nagdaraang sasakyan.

Matutunghayan pa ang pagkadapa niya dahil sa pagmamadali.

Sa ngayon ay mayroon ng 66.4K views na ang video at nakatanggap pa ito ng samu’t saring komento.

Ang parehong video ay agad nagviral sa TikTok at kinatuwaan naman ng maraming nakapanood nito.