TINGNAN: Relief goods sa isang bayan sa CamSur, may kasamang condom

1196
Courtesy Raymart San Jose

Bukod sa delata, tubig, at noodles, may kasamang contraceptives ang mga relief goods na natanggap ng mga kababayang nasalanta ng bagyong Tisoy sa Milaor, Camarines Sur.

Sa retratong ibinahagi ng residenteng si Raymart San Jose, may lamang isang box ng condom ang nakuha niyang supot mula sa lokal na pamahalaan.

 

“Flex ko lang ang Local Government Unit of MILAOR, Camarines Sur in promoting Family Planning and HIV Awareness through the distribution of Relief Goods to the victims of Typhoon #TisoyPH,” bahagi ng Facebook post ni San Jose.

INNITY ADS

Ayon kay Milaor Mayor Anthony Reyes, maituturing na ngayong pangangailangan ng mga tao ang contraceptives.

Paliwanag niya, kumonsulta din siya sa municipal health officer ng nasabing bayan kung anong magandang isama sa relief goods.




Sagot ni Dr. April Romulo, puwedeng maglagay ng condom at pills dahil kahit may kalamidad, kailangan kasama pa rin ang basic services ng rural health unit.

Pahayag ng doktora, mainam pa din pagplanuhan ang pagkakaroon ng pamilya.

Nakinabang ang mahigit 1000 katao sa ipinamahaging tulong ng pamahalaang bayan.