TINGNAN: Pulubi, high-tech na ang panlilimos ng pera

447
Facebook/Frazil Irwan

Hindi na gagana pa ang katwirang “walang dalang pera” sa isang pulubi sa China na tumatanggap ng limos sa pamamagitan ng money transfer sa multi-messaging app na WeChat.

Sa Facebook post ng isang Fazil Irwan noong Nob. 27, ikinuwento niyang kumain sa labas ang kanyang mga kaibigan nang makatagpo ang matandang pulubi.

Nanghingi raw ang matanda ng limos, ngunit sinabi ng isa niyang kaibigang babae na wala silang dalang pera.

INNITY ADS

Hindi ito naging problema sa pulubi na nagpresintang sa WeChat na lang gawin ang transaksyon.

Ipinakita ng matanda ang kanyang quick response (QR) code na konektado sa app at saka pinasahan ng pera ng babae gamit ang WeChat Pay.




Ang WeChat Pay ay isang feature sa messaging app ng China kung saan maaaring tumanggap o magpadala ng pera ang mga user gamit ang kanilang smartphone.

Patuloy na nagiging talamak ang cashless transactions sa China kung saan sinusubukan na rin ang face recognition kapalit ng QR codes.